Trial & Error

Iba daw yung kilig ng First Love. Syempre kasi first yun eh. Parang yun idea ng love sayo noon, dun mo naranasan at pinaranas sa first love mo.

Totoo daw ba ang first love never dies? Para sa akin, totoo yun. Pero hindi yung point na mahal mo pa din siya. Pero kasi yung memories niyo mananatili yan sa puso mo. Syempre andun kasi yung kilig ng unang hawak ng kamay, kilig ng unang kiss at hug. Yung memories niyo together everytime mag celebrate kayo ng first monthsary or first anniversary (kung umabot man ng anniversary). Syempre di mo talaga maiiwasan yung maaalala mo yung surprises and efforts na binigay niyo sa isa’t isa.

At kapag kasi kunwari hindi nag work out yung relationship niyo at magmahal ka na ng iba. May idea ka na kung gaano paano talaga magmahal. Mawawala na sa isip mo yung dream lovestory mo. Dun na papasok yung realidad sa isang relasyon. May idea ka na kung paano masaktan, maiwan, mangiwan. Kumbaga, magiging maingat ka na kasi natuto ka na.

Sa bawat relasyon kasi na pagdadaanan ng isang tao. Hindi lang naman puro saya. Lahat yan bibigyan ka ng lesson. Ipapakita sayo ng bawat relasyon mo na ganito, ganyan ang magmahal.

Saka ayaw mo nun? Magiging challenge kasi yan sa susunod mong mamahalin. Kung paano niya papalitan yung memories niyo together ng First Love mo. Challenge yun sa susunod na taong papasok sa buhay mo. Na magawa niyang pawiin ang alaala ng nakaraan, dahil gagawin niya ang lahat para sumaya ka lang, para mapatunayan niya na deserving siya para mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo dati sa First Love mo.

Diba sabi nga ni pareng F Scott Fitzgerald, “There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.” Maaaring hindi nag work out sa una, pero pwedeng mag work sa pangalawang taong mamahalin mo. Pag hindi ulit nagwork out sa second love mo, pwde ka uli magmahal. Hanggang sa mameet mo yung taong para sayo talaga. Hindi man siya yung first love mo, kahit pang 8th girlfriend/boyfriend mo na siya pero sakanya mo naramdaman yung totoo love, e di siya na. He/She may not be your first, but who knows? Maybe, he/she is your last love. Ang love kasi trial and error yan. Paano mo malalaman kung siya na kung hindi mo susubukan magmahal ulit ng iba? Di ba?

Oh eto, sabi ni Macy sa That Thing Called Tadhana, “Kung mahal mo ipaglaban mo, wag mo inatying may magtulak sakanya pabalik. Hilahin mo. Hanggat kaya mo, ipaglaban mo.” Para sa’kin kung nagawa ko na yan, at nagawa ko na lahat para lang bumalik yung taong mahal mo pero ayaw na niya talaga. Wala ka nang magagawa. Pag di ka na niya mahal, di ka na niya mahal.

Hindi dapat pinagpipilitan ng isang tao ang sarili niya sa isang bagay o tao na ayaw sakanya. Hindi pride tawag dun. Self respect. Self love.

Hindi importante kung gaano katagal mo makalimutan. Ang mahalaga. Nakalimutan mo. Para kasi sakin lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari. Ganun lang kasimple.

Bottomline, natututo tayo sa mga bagay na nagawa natin noon. Sa mga bagay na nasaktan sila o nakasakit tayo. Learning process kasi ang mabuhay. Everyday, meron kang matututunan. Ang importante, kahit na nasaktan ka, alam mo pa din paano magmahal ulit. Hindi ka natatakot na magmahal at masaktan ulit. Saka “yung ganyang kalaking pagmamahal.. Imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sayong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako mababalik yan sayo.” – Anthony

Para sakin. Hindi masama na maaalala yung nakaraan. Kasi sila yung reminder sa atin na kaya ko palang magmahal. Kaya ko palang masaktan, pero kaya ko pa din magmahal ulit. 😊

Leave a comment